Sana Maulit Muli
Mahilig nating binabalik-balikan ang mga panahon sa nakaraan na alam nating nagpapangiti sa atin. Tao tayo. At dahil diyan, kahit ang mga alaalang nagpapalungkot sa atin ay iniisip natin ng lubos-lubusan bawat minuto na pinipilit natin ang ating mga mata na pumikit.
Bilang tao, maraming beses tayong nagkakamali. Ang mga pagkakamaling ito ay kasali sa listahan ng mga imposibleng gawing tama upang tuluyan nating makamit ang kapayapaan. Inaasa natin na magkaka-Dengue at hihina ang oras upang matakbuhan pa natin ang mga pangyayaring gusto nating balikan. Natural naman na ginagawang tama ang mga pagkakamali.
Sana maulit muli
Ang mga oras nating nakaraan
Bakit nagkaganito
Naglaho na ba ang pag-ibig moLagi ring tinatanong kung paano at bakit nagkaganyan. Wala naman ding sumasagot. May sumasagot ngunit ‘di natin naririnig. Hindi natin naririnig kasi nakabalot ang atensyon natin sa mga suliraning maaaring harapin sa kinabukasan.Consequence. Bawat sandaling lumipas ay gusto nating bawiin ulit… kahit mali, kahit imposible.
Eh, wala naman tayong magawa. Hindi tayo Diyos. Tanggapin mo ang mga pagkakamali at ‘wag mo nang gawing echos ang buhay mo nang dahil sa nakaraan. Hanggang panaginip nalang tayong aasa na mauulit muli ang mga sandaling lumipas. Pagkagising mo… lagyan mo na ng batteries ’yang wall clock mo.